3-Palatandaan Para malalamang ikaw ang Mali



Naka incounter kanaba ng taong palaging tama? Diba’t nakakainis sila? Lalo na kung mali sila at hindi nila tangap ito. Ang kadalasang nangyayari  nag kakamali tayo pero hindi natin ito na ri-realize.
Lahat naman ng tao ay nag kakamali yan ay nature natin, pero pwede natin itong malaman para maiwasan. 

Ito ang dapat nating gawin para malaman nating tayo ang mali

1)hindi mo tangap ang riyalidad

Mahalagang tingnan kung ano ba talaga ang point ng pag aaway? ano ang naging dahilan? Pag emosyonal kasi ang tao at nag ivest nang idea. mahirap na iyon alisin , dahil papaniwalaan mo lang kung anong gusto mong paniwalaan at hindi iyon matatapos. Dapat lagi mong isipin na sa bawat pag aaway ay posibling ikaw ang mali. Nakakabuti ito para maging aware sa sitwasyon, piliting balikan ang punot-dulo ng pinag awayan at dito mo ma ri-realize kong sino ang mali.

2)Pride

Lets just say na binalikan mo na at napag tantong ikaw ang dahilan ng pag aaway, ngunit ayaw mo itong tangapin sapagkat nasaktan ka narin sa nasabi ng iyong partner at harapin nating mas madaling magbuntong ng sisi sa iba kaysa tangapin ito. Laging tandaan na hindi mo ika mamatay ang pag hingi ng tawad. Paminsan minsan kasi kung gusto mong matigil ang away, para narin sa inyong relasyon nakabubuting tangapin ang pagkaka mali at humingi ng tawad.

3)Pinipilit mong magbago ang iyong partner


Iba-iba kasi ang nakasanayan nating pag uugali kaya naman  kapag may hindi ka nagustohang ugali kadalasang ito ang nagiging dahilan ng pag aaway, dahil sosubukan mo itong alisin sa kanila at bagohin pero hindi iyon basihan na mali sila at tama ka . subukang maging considerable sa ibang tao. Pag ipagpipilitan mong mag bago sila, ay ikaw ang magiging  mali sa kanyang paningin. Hayaan ninyo ang isat-isang makapag adjust sa  ugali. Ok lang naman na i-aware mo ang iyong partner sa ugali nito ngunit maling piliting bagohin ito. tanging siya lang ang makapagbabago nito.

Mga Komento