walang masama sa pagiging single, pero walang gustong maging single forever, maganda ka naman ngunit bakit ba ayaw mong pumasok sa relasyon? ito ang ilan sa mga dahilan.
Wala kang panahon sa pag ibig
May mga tao na parating busy sa trabaho sapagkat mataas ang
pangarap nito sa buhay at hindi na bibigyan ng panahun ang pag ibig, Ang relasyon
kasi ay kinakailangan ang pag invest ng time sa isat-isa para mag work.
Gusto mong mag isa
Ang mga matibay na tao ay hindi takot na mag isa, mas gusto
mo na mag karoon ng panahon na ikaw lang sapagkat hindi mo gustong may ibang
taong nakikialam sa takbo ng buhay mo.
Hindi kapa handa
Ito yung mga panahon na marami kapang gustong gawin sa buhay
mo,may mg bagay na gusto mo pang ayosin sapagkat alam mong hindi ka mag kakaroon
ng magandang function sa future na relasyon
mo, pag hindi mo pa ito nagawa.
Hindi kapanakapag move-on sa ex mo
Yung pakiramdam na ayaw mo ng mag mahal ng iba sapagkat nag
hihintay ka parin na bumalik ang mahal mo noon. O hindi naman kaya ay ayaw mong
mang yari sa iyo ulit ang nangyari noon.
Mataas ang iyong standards
Yung nag kakaroon ka nang problema sa pag pili kung anong
klasing tao ang gusto mong makasama sa buhay mo.dahil narin sa previous experience
mo kaya nagkakaroon ka ng pag alinlangan sa pag sagut sa taong nanliligaw sa
iyo.
Wala kang confident sa sarili mo
Yung nakakaramdam kalang ng takot, na baka hindi ka
seryusohin ng manliligaw mo sapagkat alam mong may kapintasan ka tulad ng
pagiging mataba etc. na i-imagine mo na ang kahihinat-nan sa future kayat takot
kang mag invest sa relasyon.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento